Mga Pahina

Miyerkules, Agosto 15, 2012

Mga Halimbawa ng DOODLE

 Get This Daily Doodle Here:


Ano nga ba ang DOODLE?

Ang doodle ay isang pagguhit kung saan ang taong gumuguhit ay malayo ang iniisip sa ginuguhit. Ang mga doodle ay mga simpleng guhit na maaaring magkaroon ng isang kumakatawang kahulugan o kung anong hugis lang. Ang mga karaniwang halimbawa ng pagdudoodle ay makikita sa mga kwaderno, kalimitan sa sulok ng papel, na ginuhit ng mga mag-aaral na tinatamad makinig sa klase. Ang iba pang halimbawa ng pagdudoodle ay magagawa gamit ang papel at panulat habang nakikipagusap ng matagalan sa telepono.
Ang mga sikat na halimbawa ng mga doodle ay "cartoon" na bersyon ng guro at kasamahan sa paaralan, sikat na tauhan sa telebisyon o komiks, inimbentong tauhan na wala sa tunay na buhay, tanawin, mga hugis at ibang pagkakasunodsunod nito, at "animations" sa pamamagitan ng pagguhit na makakabuo ng kwento sa bawat pahina ng libro o kwaderno.